LP #138: Ala-ala (Memories)

Sino sa inyo ang marunong maglaro ng sungka? Dati-rati'y nilalaro namin itong magkakapatid. Pero pag nakita ng matatanda siguradong mapapagalitan. Bawal daw kasing laruin kung hindi naman nasa burol ng patay. Dahil hindi maaaring laurin ng madalas, tuluyan ko na ring nalimutan kung paano laruin ang sungka.


Sungka


Ang larawang ito ay kuha noong mag-check in kaming mag-anak sa The Legend Villas bilang selebrasyon ng aming wedding anniversary noong isang buwan. Maganda rin palang pang-display ang sungka ano?

Did you like my post? CLICK THIS to have my posts delivered straight to your email inbox.

Comments

Unknown said…
ang sosy naman ng sungka na ito...nilalaro din namin ito nong bata pa kami. at yon nga, may pamahiin tungkol sa sungka. sabi naman ng lola ko nakakabobo (LOL) dahil bato ang ginagamit. so we changed it to sigay (shells).
Halie said…
Ang ganda naman ng sungka na yan! Pero totoo nga ang sinabi mo, merong mga pamahiin na bawal daw maglaro ng sungka. :(

Thanks for stopping by my blog.
emarene said…
Wow na wow! Antigong sungka! Sinasabi ko sa sarili ko na pag umuwi ako bibili ako nga sungka-an. Gusto ko lang. now that I have seen your sungka-an, yan yata ang gusto ko! :) seriously.