Boracay Day 1

Pearl of the Pacific

We reached Station 1 at nag check-in kami sa Pearl at 2:45 pm. Hindi pa kami nag-lunch ni Daddy Jun. Si Rap buti na lang nabilhan ko ng cup noodles sa barko. Habang hinihintay na maayos ang room namin, kumain muna kami ni Rap sa Princessa Rita, ang resto ng hotel. Daddy Jun had to attend a meeting thru phone conference. Nag-order ako ng Marinara and Rap had choco mango crepe. After 30 minutes dumating na rin sila Mama, Tita Ops, and Megan from Bacolod at sabay sabay na kaming umakyat sa kwarto.

Ok lang ang room, not too small and not too big. Kaya lang we had to request for towels pa. May pitcher and glasses pero wala namang drinking water. Pero I'm glad that we were able to get extra beds at no additional cost.

We all decided na magpahinga muna sa room. Pare-pareho kaming pagod sa byahe.

Room 425, Pearl of the Pacific



D' Mall

Around 8 pm bumaba kami to have dinner. Kahit pagod ang katawan, excited pa rin kamin na maglakad along the beach front. Along the way, we passed by children who made amazing sand castles. Natatawa nga ako kay Megan at Rap at kuhang-kuha nila ang mga sinasabi ng mga bata na "Donation po, Ma'am, Sir."

Nakarating kami sa D' Mall and had dinner sa Andok's. Iba ang Andok's dito sa Boracay (meron din sa Caticlan Port). Pang dine-in ang facilities. Kahit paano we were within our budget for each meal.

We planned to stay in a bar and experience the Bora nightlife. Kaya lang, ang alaga kong "sawa" (Rapido), matapos mabusog ay nakatulog sa kinauupuan niya. Nag-tricycle na kami pabalik ng hotel. Riding the tricycle is a luxury here. 40 pesos ang special trip.

Nakatulog agad kami pagbalik namin sa room. Dumagdag pa sa kapaguran namin ang pag-akyat sa pagkataas-taas na steps patungong hotel room. Nasa may hillside kasi kami, sa Tree Lounge.

Add to Technorati Favorites

Comments